<< December 2009 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03 04 05
06 07 08 09 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31


If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed



Sunday, November 22, 2009
innosenteng pagiisip [innocent minds]

ano na nga ba ang nangyari sa kabataang Pilipino?

kamakailan lang nakapag-sulat ako ng isang tula na ang kabataan pa rin ang Pag-asa. pero kahapon parang nawala yata ang paniniwala kong yan. konti lang naman.

pinagmasdan ko ang mga kamagaral ko. ang kababaihan puro kalalakihan at tsimis ang inaatupag. ang kalalakihan naman ay mga kayabangan at katamaran. yung iba halo, yung iba nasa loob ang kulo. sino nga ba ako para humusga kung ako rin ay pumapagitna sa katangiang yan?

naging alanganin ang paniniwala ko pero sinuportahan ng mensahe na nanggaling sa prof ko sa pol sci ang tila marupok kong pundasyon sa paniniwala ko. paurong sulong... at naalala ko ang sinabi niya na nasa matigas na tinig na parang dinudutdot ang tenga ko para lang maihatid ang mensahe sa utak ko na "ang kailangan ng Pilipinas ay ang KABATAANG tulad niyo."

pero...

tayo pa rin ba? INNOCENT MINDS pa nga ba ang kinabibilangan ng utak natin?

Inosente sa larong Pampulitika pero sa lason ng katauhan, hindi siguro. maraming nagaaksaya ng bhay dahil sa kahirapan, tulad nalang ng bata na nagpakamatay sa Cebu. hindi ang bisyo o ang pagsyosyota ang dahilan, Gutom at kapaligiran pwede pang maging dahilan. o yan nga talaga ang dahilan.

ang maipapayo ko nalang sa aking sarili, sa ibang kabataan at sa mga nagiisip bata : umpisahan natin sa sarili natin, disiplina at alamin natin ang responsibilidad sa sarili at bayan. hindi na uso ang nagpapakamangmang dahil lang sa kahirapan ng buhay.


Posted at Sunday, November 22, 2009 by quiet_poetic
An0nG MaSasAbi m0?..  

Wednesday, November 21, 2007
kambas ng lipunan

Gusto ko sanang ipagpabukas ang pasusulat nito pero di na makapagantay ang utak ko. Kanina ko pa pinipigilan ang sarili ko dahil may klase pako hanggang 4:30 pm... sa NsTp102 namin may pinapanood samin yung prof. isang siyang documentary "Kambas ng Lipunan" o "Canvas of Society" ni Joey Velasco. Nakakahabag ng puso. Sa totoo lang isa siyang documentary na tumitira sa konsensya ng mamamayan sa lipunan. Maraming taong na naghahanap ng kasagutan, open ended questions nga pero sa patlang na iniwanan ng mga katanungang iyon parang unti unting pinunan ng mga tauhang hango sa katotohanan. Ang mas nagpalalim ng damdamin ng documentary na yon ay ang mga tauhan ni Joey Velasco. Ang mga Batang ipininta niya na kasama ni Hesus sa last supper. Hindi ko na matandaan ang pangalan ng bawat bata, sila lang naman ang mga tipikal na kabataan na madalas nating nakikita sa lansangan ngunit di manlang natin binibigyang pansin. Dahil sa documentary na ito napagtanto ko na kailangan mo rin magmasid sa paligid mo. Bukod sa pagiingat sa mga snatcher sa paligid natin na sanhi rin ng kahirapan sa lipunan, kailangan nating magmasid dahil baka sa paligid lang natin Makita ang sagot at ang aral na dapat nating matutunan. Sa hirap nga naman ng buhay. Maraming Pilipino ang nagiging madiskarte. PILIPINONG BATA na akala natin ay walang alam sa buhay dahil sa kanilang murang edad, ngunit sila ay mga BATANG IDEALISTIKO na maliwanag ang tingin sa hinaharap. Yan ang mga kailangan natin. Mga mura ang isipan sa kasamaang naidulot ng masamang kapaligiran.

Posted at Wednesday, November 21, 2007 by quiet_poetic
An0nG MaSasAbi m0?..  

Tuesday, November 20, 2007
libro ng karunungan

bakit nga ba ako bumibili ng libro? bakit yung ibang estudyante nakakaraos naman sa mga subjects nila kahit walang libro?

nagsimula ang araw ko sa pakikinig sa professor ko sa political science(philippine politics, government and constitution) , bakit daw reduired kami na bumili ng libro. napapansin ko rin na tuwing nagkikita kami para magturo siya ng subject na yun lagi niyang pinapaalala na required bumili ng libro ng constitution. ipinaliwanag niya samin kanina na ang constitution ay pumapangalawa sa bibliya.  nakatutulong daw ito para malaman natin ang karapatan natin bilang tao, mamamayan ng pilipinas at kung ano ang hangganan at sakop na kapangyarihan ng isang opisyal ng gobyerno.

pero hindi yan ang gusto ko pagtuunan ng pansin. kanikanina habang naglalakad ako palabas ng paaralan at bago yun bumili ako ng libro para sa philippine literature. naisip ko bakit bako bili ng bili ng libro kahit alam kong hindi naman lahat ng nakasulat dun ay tinatalakay samin/ ao rin ang sumagot sa tanong na bumabagabag sa isipan ko...

unang una sa lahat, gusto kong maging d.L. dahil sa incentives. pangalawa, di ako sanay na manghiram at ayoko naman masyadong lumabag sa code of ethics ng isang writer o sa copyright law kakapa-photcopy ng mga pira-pirasong impormasyon. pangatlo, pwede itong maging reference kung kinakailangan mo ng impormasyon.

hindi purkit advance na ang media ngayon hindi na natin papansinin ang kahalagahan ng libro. noon, wala akong magawa. busy naman sa pag-practice ng gitara ang boyfriend ko. nauuhaw ako sa gagawin. sa sobrang bagot ko, nakita ko ang introduction to literature na libro ko, at yun ang ginawa kong pampalipas oras nagbasabasa ako ng tula, maikling kwento at dahil dun para na rin akong nanood ng sine dahil nakikita ko sa utak ko ang bawat pangyayari ng istorya.

pangapat na dahilan, pampalipas oras o pampaantok. panlima, may mga pinsan akong pagpapasahan ng libro ko.

bukod nga pala sa mga dahilan na yan, pinapakain din ng mga libro ang utak nating tigang sa impormasyon at gutom sa karunungan.  


Posted at Tuesday, November 20, 2007 by quiet_poetic
An0nG MaSasAbi m0?..  

Thursday, November 15, 2007
jeepney joyride sa lansangan...

simula pagkabata ko sumasakay nako ng jeep. hanggang ngayon ay jeep pa rin ang sinasakyan ko pero kailan ko lang napagtanto na masarap talaga sumakay ng jeep o mag jeepney joy ride. bukod sa pagsinghot ng usok ng kapwa jeep at pagkabingi ng tenga sa tuwing sinisipag mambingi ang busina ng mga higanteng dayuhang transportasyon o "bus" [pagbasa:Boos] may isa pang ammenities ang ibinibigay ng jeep. kung sinisipag kang imulat ang mata at idungaw sa bintana ang ulo na para bang magkaka-stiff neck ka, makikita mo ang realidad at makakabuo ka ng pangsariling ideya ukol sa buhay.

may makikita kang iba't ibang klase ng tao na may iba't ibang klaseng estado ng buhay.

ito ay introduksyon pa lamang sa jeepney joy ride ko sa lansangan...

nangyari ito nung ENERO 31 '2007 , nakapost ito sa blog ko sa friendster at ang title ay "gagong call center agent yun! mali mali!"

gago nga! sumakay ako sa may don antonio ng cubao kamuning arayat. may nagtanong.

babae: dadaan ba ito ng aurora?

call center agent: oo, hindi ka lolokohin ng drayber.

bobong drayber ng jip.

babae: magkano jollibi jan sa kamuning?

bobsi drayber: katorse.

bayad naman tong si babae.

gusto ko sana sabihin na "ate, mali po yung sinakyan nyo."

kaso hindi ko alam kung dadaan talaga ng aurora o hindi. naguluhan din ako sa babae. ang tanong niya papuntang aurora. ang gusto pala niya puntahan, jolibi kamias. nabobo ata ako dun. nag aksaya siya ng katorse. e ako nga onse lang binayad ko, sa may jimenez pa ko bumaba.

gagong drayber. kalain mo, balak pang banggain yung bus na ubod ng laki?

jip: kala mo uurungan kita? tanginamo!

bus: kala mo madadaan mo ko sa liit mo? gagu!

kala siguro ng mga kasabay ko sa jip, katapusan na nila. sa bagay, mukhang nakahit hit ng sinunog na buhok yung drayber kaya humaharurot sya sa pagmaneho. kalain mo? nagsibabaan lahat ng kasabay ko. ang natira sa jip? tatatlo kaming babae.

ako naman etong si feeling matapang. nagdalawang isip ako kung bababa ako. kaso, umiral kakuriputan ko kaya hindi ako umatras! sayang yung binayad ko! abante nalang! kahit ito ay a matter of life and death.

sa kasamaang palad, safe naman akong nakarating sa bahay...


Posted at Thursday, November 15, 2007 by quiet_poetic
An0nG MaSasAbi m0?..  

trinity observer october 2007 ish..

tama nga ang sinabi ni bob ong sa stainless longganisa na iba pa rin kapag first time. Nung lunes pumasok ako ng 9 'oclock para sa subject ko na political science. Tinawag ako ng mga kaklase ko na may hawak ng isang kopya ng trinity observer(T.O.) [newspaper ng school namin] , at binanggit yung "gising na pag-asa". Nagulat ako dahil parang familiar sakin yung phrase, at tama nga, ipinasa ko pala sa t.o. yung tula na ginawa ko... masarap sa pakiramdam dahil nakalagay sa pahina ng dyaryong yon ang gawa ko. mababaw sa iba pero first time ko 'to dahil first time lang ako naglakas loob na magpasa. ang sarap sa pakiramdam na parang mas na-motivate ako.

ang sumunod kong ginawa ay hinanap kung nasaan yung mga copies ng t.o. pinagtanong-tanong ko at nagn makita ko kumuha nako ng dalawa... remembrance kasi yun dahil first time nga... kaya rin ako nagsipag sumulat ulit sa blog dahil dito... goodluck nalang sakin...


Posted at Thursday, November 15, 2007 by quiet_poetic
An0nG MaSasAbi m0?..  

Next Page